Tuesday, December 7, 2010

Isa.

Maganda pala ang numero ang isa. Kung nag-aral ka sa UP, magaling ka kung umuulan ng "1" ang classcards mo. Maganda kung ikaw ang nag-iisa sa buhay ng asawa mo. Masarap kung ikaw ang una sa buhay niya. Nakaktuwa kung may isang anak kang lalaki at may isa ring anak na babae. Isang pares.

Isa. Una. Uno.

Sa bahay namin, isa rin lang ang TV at ang laptop. Hindi dahil sa hindi kayang bumuli ng pangalawa ngunit napagisipang mas mabuti para sa pamilya na manatili na lamang silang isa. Bakit? Kung dalawa o higit pa ang TV o laptop sa bahay, tiyak yun na hindi na kami mag-uusap o magkikita-kita. Dahil sa isa lamang ang mayroon kami, natututo kaming magbigayan.

Isa. Una. Uno.

Masaya ako sa numerong ito.