Monday, November 19, 2012

Keeping Up With The Times

I've been very busy the past few months and just last week, I realized, sobrang advanced na talaga ng mga bata at ng mga eskwelahan dito!

Ang daming bagay na akong nakikita dito at naikukumpara ko ito sa sistema sa Pinas. Malaki nga ang pagkakaiba.

Habang tumatagal, mas nakikita ko at naiitindihan ko kung bakit ganito ang sistema dito. Oo nga naman, may mga bagay na komplikado ituro, pero kung gagawin mo pang mas komplikado ang paraan ng pagtuturo mo, mahihirapan talaga ang mga bata.

Natuto ako. Tulad na lamang ng konsepto ng Area sa Math. Sa Pinas, hirap na hirap ang mga bata. Pero dito, as early as Kindy, nasisimulan na nila itong ituro ng hindi nalalaman ng mga bata na "Area" na pala ang pinag-aaralan nila! Galing!

Dito, hindi kailangang nakatayo ang mga guro habang nagtuturo. Very informal nga. Para sa akin, nababawasan ang pagiging takot ng mga bata sa guro nila na relaxed, malumanay ang boses, na parang nagkwekwento lang habang tinuturuan sila.

Isa sa mga napansin ko rin ay ang paggamit ng teknolohiya sa loob ng classroom. Sa loob ng classroon may mga iPad, Mac sa bawat bata, smartboards at iba pa. Nanood kami ng Youtube sa loob ng klase, we hve on-line apps and programme that the kids log on to, sa madaling sabi, ginagamit namin ang teknolohiya dito as a means to teach the kids. Sa tingin ko effective, kasi sumasabay na ang mga eskkwelahan dito sa kung ano ang klaseng mga estudyante meron sila. ngayon ay mga touch screen generation na. Ano naman ang papel ng mga guro? Parang facilitator of learning kami.

Naisip ko sa Pilipinas, sobrang late na ng mga bata dun. Oo may ipad,  mac at smartphones din siguro sila, pero ito ay para sa personal use naman, chalk at blackboard pa rin (manila paper sa state schools siguro at OHP projectors sa mas may mga kayang eskwelahan) malamang ang nakakarami. Naisip ko nga ang AGS. Ang mga klase ba doon ay gumagamit na ng smartboard or OHP projector pa rin? Do they use these gadgets to help them teach? Kung talk and chalk pa rin ang sistema sa Pinas, nakakalungkot, pero magpagiiwanan na talaga sila.

Sana maisip nila na sumabay na sa development ng technology and use it to their advantage, and not see it as a threa.